Wednesday, September 2, 2009

Umuulan!

Umuulan nanaman! Pinagmamasdan ko ung ulan, nakakatuwa...hehehe...naalala ko bigla ung mga bagay-bagay, mga pangyayari sa tuwing umuulan noong bata pa ako, mga pinag-gagawa ko noon at mga bagay na di ko na ata nagagawa ngaun. Dati kung malakas ang ulan ay bumabaha na ng unti, ngaun hindi na masyado, maayos na kasi. Noon pag malakas na ang ulan, pag may pasok, tatanong ko mga magulang ko kung may bagyo ba!? umaasang walang pasok! hehe...kung walang pasok, like saturday or sunday at malakas ung ulan, e kakausapin na naming magkapatid ung nanay at tatay ko, kung pede bang maligo sa ulan, tuwang-tuwa kami noon pag pinayagan kami, kahit bumabaha na, kahit kumikidlat pa! Dati kasama namin magkapatid ung mga pinsan kong pasaway sa pagligo sa ulan, kung gaano katagal ang ulan e ganun katagal din ang ligo namin sa ulan! Ang mga pinsan ko na hindi ko na mahagilap ngaun! Kagandahan lang sa ulan ay malamig, mahangin at masarap matulog! Ngaun naisip ko, bakit kaya ung mga simple bagay na ginagawa ko tuwing umuulan e di ko na ata magawa!?hmmm...nagagawa ko na lang ata ay ang matulog! at kumain! di bale next time na umulan e maligo tayo! tapos swimming sa mala-putik na baha, yaiks! adik! joke!
corny no!? pero miss ko na talaga ung mga ganun bagay! simple pero masaya gawin...
(Umuulan kasi ngaun habang ginagawa ko 'to...hehehe...konting emote...adik!)

Sunday, August 30, 2009

TRAFFIC! PUTEK!

Nakakaasar na nakakatawang isipin na kahit sa mumunting subdivision ay nagkakaroon ng traffic! Hay buhay nga naman daming problema dumagdag pa ang traffic sa stress. Paano ba naman e kagagaling ko lang naman sa work, e night shift pa ko, so bangag-bangag pa ko nun di ba, nagdidilim na ang paningin ko kahit sikat na sikat ang araw! ok naman ung biyahe sa taxi, wala naman abalang traffic papuntang fairview, tapos pag-sakay namin ng tricycle, kasama ko kasi ung kapatid kong si marko at si jess, wala pa sa kalayuan e matatanaw mo na ang pagkahaba-habang lintik na traffic! buti sana kung malamig o hindi maaraw ang panahon e, e hindi, tirik na tirik ung araw! sobrang init! kasi naman tanghaling tapat na kami umuwi! at eto pa traffic na nga e ung driver ng motor e sobrang bagal pa magdrive at kulang na kulang sa diskarte! mas maganda pa atang maglakad, kundi rin lang maaraw at kung sana ay medyo malapit lang ung bahay namin e, nakakaasar talaga! nakakabuwisit isipin na nagkabuhol-buhol ang traffic ay dahil lang sa pagpapaayos ng kalsada! ewan ko ba! basta ganun! Sana next time e may magawa ng maayos na aksyon ang mga may kinauukulan sa mga ganitong pangyayari at sitwasyon! para masaya at maayos ang daloy ng sasakyan, pero ok lang naman ung paminsan-minsan na mga ganitong pangyayari, pasasaan ba't maayos din ang kakalsadahan dito! WALA LANG SHARE KO LANG. tagal na rin kasi me di nakaka-post sa blog ko e....wahehehe...adik.

Thursday, April 9, 2009

Peter/Marvin

PETER! yan ang tawag sa akin ni Tita Cora, ang may ari ng boarding house namin, hehehe.Nakakatawa no, kasi ang mag-iisang taon na yata kami e Peter pa rin ang tawag niya sa akin, hindi ko alam kung san niya nakuha ung name na un, o san niya narinig un, basta tawag niya sa akin peter.Tinatanong ko nga ung mga kasama ko sa boarding house kung sino ang nagsabing peter name ko,wala namn daw nagsabi sa kanya...pero ngaun alam na niya name ko sa wakas. MARVIN.hehehe.



STAR! im a star. yan lang nmn ang linya ni Khaye o mas kilalang Maria Victoria Padua. Nais kasi niang magniningning tulad ng mga bituin sa kalangitan, Ang mag-Shine sa gitna ng kadiliman. Gusto ata nia lagi ciang center of attention!hehehe, sabi ko kanya, oo star ka nga, FALLING STAR!hahaha.



BITTER&GREATNESS. bitter+greatness = ferdie. panalo! walang tatalo. kailangan pa bang i-memorize yan!hindi nmn cia laging bitter, Pero naalala ko ung sinabi nia minsan sa baguio, BAWAL MAGING MASAYA! at bakit? kasi di cia masaya e, kaya bawal!astig! i-damay b kami sa kalungkutan at pagkamuhi sa mundo!hehehe. at cia lang ang greatness! as MAGALING! magaling o nagdudunungdunungan man e cia un. Kung pagalingan lang din e wag ka na makipagtalo kay perdi, dahil di ka uubra.hehehe.



JOHN mongoLLOYD CRUZ. look at his pics. kamukha nmn ni john MONGOlloyd cruz diba!? yun pinagtripan.sinapaksapak at wasak ung face.hehehe.joke.WELLNESS. wow may wellness pang nalalaman itong si marko! nageexercise kasi yan e.MINSAN. Sabay lamon ng marami.kaya balik sa pagiging BOBBY.short for baboy.hahaha.


COACH. naks naman si coach ruena. oops oops oops hindi coach ng basketball ha! coach sa trabaho nia. coach sa kalokohan.joke. galing naman, next tym libre mu ko ha.hehehehe. Kung minsan ay batuhan man ng asaran ay cool pa rin cia, at hndi masyado napipikon, kasi naman e sana'y na yan, araw-araw ba nmang asarin.

JESSIE. hay c jessie,wala akong masabi masipag kasi yan e, kaya marami pera!joke.hehehe.libre mu ko ha! ADIK. adik sa cape.next time matulog ka namn ng hindi kung anu anu pinaggagawa mu sa buhay! ayusin mu buhay mu! joke.

WALA ME MAGAWA E,KAYA NAGPOST NA LNG ME KAHIT ANU.NEXT TYM NA LNG ULIT UNG IBA. tsaka ung mga pics dito, kahit anu lng makita ko e. basta next tym ulit aayusin ko.
YUN AY KUNG MAY NEXT TIME.HEHEHE.
THANKS.

Friday, March 27, 2009

Markotics: iPod Classic to iPod 5G

Post ko daw tong blog post na to. So, eto na nga pinost ko na yung link (Happy now?). Read this post to learn how to mod your ipod 5g: Markotics: iPod Classic to iPod 5G

Sunday, February 22, 2009

Reunion

- October 26,2008.

- DreamLand Resort
As always guys, ciempre late nanaman ako! hehehe! pero ayos lang yun diba!? ang importante ay nakarating…hehehe…
Papunta pa lang me sa nasabing meeting place, e naicip ko along the way kung anu-ano ba ang aking matutuklasang kakaiba o bago sa mga dati kong mga kabatak sa kalokohan sa st.claire…..yun ay kung may bago ha!?
Nung nakarating na me sa dreamland resort, e nagtxt kagad me sa mga pasaway kong mga clasmeyt na nanduon na me,para sunduin o salubungin nila me kasi nga di me alam un e….tapos sa di kalayuan e nakita ko na may mga paparating na 3 babae…buti na lang bumili me ng cake,para di masyado magalit ang mga ito sakin kc nga late ako…c myra,marife and itransmit na sa kliente…kaya nagpaalam naman me sa kanila na malalate me ng unti sa reunion,unti lang naman e…hehehe…
Ang saya.yan lang masasabi ko kc msaya naman talag ung reunion,lalo pat nanduon ako! talagang sasaya ang lahat! joke..hehehe…nung nanduon n me e nagkamustahan, naghanapan kung cno ang wala, ang mga indianero’t indianera…kwentuhan ba o tsismisan!? update sa bawat isa…tungkol sa personal life, lovelife, family, work etc….mawawala ba naman sa reunion ang pagbabalik tanaw!? ciempre nagbalik tanaw muli kami sa nakaraan…kung pano magkopyahan, thesis na may iyakan at kalokohang magkahalo, inumang walang sawa..bonding ng mga tropa..mga propesor n pasaway…masayang samahan…graduation, isa-isa ko pa ba!? wag na many to mention na lang! alam nyo un, atbp….
Swimming tym.kaya nga ung place na napili ay Resort,mawawala ba naman ang paglangoy!? kaya nagpakasawa kami sa kakalangoy kasama ang bawat isa,kc naman baka matagalan pa ulit na maulit ang reunion…tapos lumangoy ay kumain! lamon pala! hehehe…at ciempre ang inuman session…mawawala ba!? at cno may pcmuno!?hulaan nu!?hehehe…
Sa pagtatapos ng araw,naicip ko pano kaya sa paglipas pa ng ilang mga taon? ganito parin ba kaya ang samahan? kung ung iba nga e nasa ibang lupalop na ng mundo napunta at di mahagilap! magkikita pa naman db kahit paano? may frendster naman para kamustahin ang bawat isa, o kaya magtxt o tawag sa celphone,mas mdali pa…basta ang mahalaga guys na malaman nu na kaibigan ko kau at di malilimutan kailan man! naks may ganun pang nalalaman e no!? maaring nasa ibang lugar o bansa man tau o ung iba at iba man ang kasama at bagong kaibigan nakikilala,sana ganun parin ang samahan! samahang pasaway habambuhay…hehehe…
(Guys my ginawa me na video…hehehe,watch nu nmn ‘to…basta i-click nu lng…ksama n rin dyan ung mga hindi nksama sa reunion…tnx)

Sana sa susunod ung mga di nakarating, makarating na! hehehe…..kitakits ulit ha!?kung kelan? yan ang tanong?
Special tnx nga pla kay cherisse tagbuyawan, ang may pakana ng lahat…hehehe!

Up to the mountain


It’s my third time to go to mindanao and guess wat!?This time we took the plane just to get there,usually kasi sumasakay kami ng barko papunta dun (my first time is when i was just a kid,wala pa me maalala nun,well unti lang,sumakay kami ng barko.Second time ko,I think last 2004,kagagraduate ko lang ng college nun,barko din sinakyan namin)kaya nga sumama prin me papunta sa mindanao,kahit na alam ko na medyo mabobored me,bukod sa hindi ko maintindhan ung language dun e wala me magawa dun(kundi tumambay,kumain,matulog na parang gawain ko talaga kc batugan me e…at magbayo ng bigas na parang exercise na rin sa akin,hehehe)pero namiss ko na kc ung lola ko na namiss din ng mami ko(mommy ko lng kasi kasama ko papunta dun e!) at ung nature sa mindanao,maganda kc ung place,if u really love nature you’ll enjoy it talaga like the trees,mountains,animals,fresh and clean air,clean beaches, halos lahat nandun na para marelax ka.So what I did there is nagrelax and to have atleast kahit unting peace of mind(naks parang troubled ako!?hehehe) pero seriously guys,when I was there it made me think about my life,what could be or what might have could be,and what will be,then narealize ko na wala palang laman ung utak ko..kc wala me naicip e.hehehehe.(o baka naman talagang wala me pangarap sa buhay!?ung lang un e..)One the most unforgettable experience ko talaga ung pagpunta ko sa mindanao and masaya me kc nakapunta ulit me dun…sana maulit muli.
Sorry guys kung medyo nabored kayo sa kwento,kasi naman e boring na tao talaga me sa personal,tsaka first time ko magpost ng blog na tungkol sa experience ko(may mapost lang no!?)…so sa nxt post ko na lang me siguro babawi and sure gagandahan ko!hehehe,malay nyo mas wild na!joke!thanks for reading!