Sunday, August 30, 2009
TRAFFIC! PUTEK!
Nakakaasar na nakakatawang isipin na kahit sa mumunting subdivision ay nagkakaroon ng traffic! Hay buhay nga naman daming problema dumagdag pa ang traffic sa stress. Paano ba naman e kagagaling ko lang naman sa work, e night shift pa ko, so bangag-bangag pa ko nun di ba, nagdidilim na ang paningin ko kahit sikat na sikat ang araw! ok naman ung biyahe sa taxi, wala naman abalang traffic papuntang fairview, tapos pag-sakay namin ng tricycle, kasama ko kasi ung kapatid kong si marko at si jess, wala pa sa kalayuan e matatanaw mo na ang pagkahaba-habang lintik na traffic! buti sana kung malamig o hindi maaraw ang panahon e, e hindi, tirik na tirik ung araw! sobrang init! kasi naman tanghaling tapat na kami umuwi! at eto pa traffic na nga e ung driver ng motor e sobrang bagal pa magdrive at kulang na kulang sa diskarte! mas maganda pa atang maglakad, kundi rin lang maaraw at kung sana ay medyo malapit lang ung bahay namin e, nakakaasar talaga! nakakabuwisit isipin na nagkabuhol-buhol ang traffic ay dahil lang sa pagpapaayos ng kalsada! ewan ko ba! basta ganun! Sana next time e may magawa ng maayos na aksyon ang mga may kinauukulan sa mga ganitong pangyayari at sitwasyon! para masaya at maayos ang daloy ng sasakyan, pero ok lang naman ung paminsan-minsan na mga ganitong pangyayari, pasasaan ba't maayos din ang kakalsadahan dito! WALA LANG SHARE KO LANG. tagal na rin kasi me di nakaka-post sa blog ko e....wahehehe...adik.
Subscribe to:
Posts (Atom)

