Wednesday, September 2, 2009

Umuulan!

Umuulan nanaman! Pinagmamasdan ko ung ulan, nakakatuwa...hehehe...naalala ko bigla ung mga bagay-bagay, mga pangyayari sa tuwing umuulan noong bata pa ako, mga pinag-gagawa ko noon at mga bagay na di ko na ata nagagawa ngaun. Dati kung malakas ang ulan ay bumabaha na ng unti, ngaun hindi na masyado, maayos na kasi. Noon pag malakas na ang ulan, pag may pasok, tatanong ko mga magulang ko kung may bagyo ba!? umaasang walang pasok! hehe...kung walang pasok, like saturday or sunday at malakas ung ulan, e kakausapin na naming magkapatid ung nanay at tatay ko, kung pede bang maligo sa ulan, tuwang-tuwa kami noon pag pinayagan kami, kahit bumabaha na, kahit kumikidlat pa! Dati kasama namin magkapatid ung mga pinsan kong pasaway sa pagligo sa ulan, kung gaano katagal ang ulan e ganun katagal din ang ligo namin sa ulan! Ang mga pinsan ko na hindi ko na mahagilap ngaun! Kagandahan lang sa ulan ay malamig, mahangin at masarap matulog! Ngaun naisip ko, bakit kaya ung mga simple bagay na ginagawa ko tuwing umuulan e di ko na ata magawa!?hmmm...nagagawa ko na lang ata ay ang matulog! at kumain! di bale next time na umulan e maligo tayo! tapos swimming sa mala-putik na baha, yaiks! adik! joke!
corny no!? pero miss ko na talaga ung mga ganun bagay! simple pero masaya gawin...
(Umuulan kasi ngaun habang ginagawa ko 'to...hehehe...konting emote...adik!)